Sa GMA 7 mayroon silang special na program na "Isang Tanong", kung saan binigyan nila ng pagkakataon ang mga simpleng mamamayan para magtanong sa mga tatakbo sa susunod na Philippine Presidential Election. Nais ko sanang magpadala ng sarili kong isang tanong, pero hindi ako makapagdesisyon kung anong tanong ang ipapadala ko. Dahil sa totoo lang hindi kasya sa iisang tanong lang ang mga nais kong malaman mula sa mga naghahangad na ma-upo sa mataas na pwesto sa gobyerno.
Kaya naman naisipan ko na lang na ilathala ang aking mga tanong dito sa aking blog, mga tanong na sa aking palagay na dapat na itanong ng mga boboto sa mga kandidato at sa mga sarili natin. Nawa kung hindi man lahat ng pinoy ay makakabasa nito, kahit man lang sana ilang tao lamang ang maimulat ko ang mata at ng sa ganun ay maimulat din nila ang mata ng mga taong nakapaligid sa kanila. Dahil sa totoo lang, nakakasawa na kung hindi man nakakatakot ang paglala ng kalagayan ng mahal nating bansang Pilipinas.
Kaya nawa sa mga Pilipinong makakabasa nito, pag-isipan nating mabuti ang mga sumusunod na tanong nang kahit papaano ay 'di lamang makatulong sa pagpili natin ng kandidato na hahayaan nating mamuno sa bansa, sana ay makatulong din na mabago ang takbo ng mga bagay-bagay dito sa ating bansa.
Kaya naman naisipan ko na lang na ilathala ang aking mga tanong dito sa aking blog, mga tanong na sa aking palagay na dapat na itanong ng mga boboto sa mga kandidato at sa mga sarili natin. Nawa kung hindi man lahat ng pinoy ay makakabasa nito, kahit man lang sana ilang tao lamang ang maimulat ko ang mata at ng sa ganun ay maimulat din nila ang mata ng mga taong nakapaligid sa kanila. Dahil sa totoo lang, nakakasawa na kung hindi man nakakatakot ang paglala ng kalagayan ng mahal nating bansang Pilipinas.
Kaya nawa sa mga Pilipinong makakabasa nito, pag-isipan nating mabuti ang mga sumusunod na tanong nang kahit papaano ay 'di lamang makatulong sa pagpili natin ng kandidato na hahayaan nating mamuno sa bansa, sana ay makatulong din na mabago ang takbo ng mga bagay-bagay dito sa ating bansa.
- Sa Eat Bulaga mayroon silang portion na tinatawag na "EB Heroes", na kung saan pinararangalan nila ang mga simpleng mamamayan na may malaking naitutulong, 'di lamang sa mga taong nakapaligid sa kanila kundi pati na rin sa mga taong 'di nila kilala. Ngayon, kung ang mga tao na ito na walang kapangyarihan, hindi sikat, hindi maimpluwensya, walang pwesto sa gobyerno at walang kayamanan na taos pusong nagnanais na tumulong ay nakakatulong ng malaki. Bakit ang mga kandidato na may kapangyarihan, may kasikatan, maimpluwensya at may di hamak na mas malaking kayamanan kaysa sa mga "EB Heroes" ay kailangan pa ng mas mataas pang pwesto sa gobyerno, kung talagang gusto lang nila ay ang tumulong sa tao?
- Mula pa ng maliit ako madalas ko nang naririnig ang kasabihang "A good leader is a good follower", na kung tutuusin ay tama, pano mo papamunuan ng mabuti ang bansang Pilipinas at aasahang susunod sila sa batas kung ikaw mismo ay binabaluktot ito para lang sa iyong sariling kapakanan. Ngayon, matagal na ring pinag-uusapan na ang paglalabas ng "Infomercials" ay paglabag sa rules at ito ay isang uri ng premature campaigning. So, sino ba sa mga tatakbo ang walang "infomercials"? Kung ikakatwiran nila na hindi naman ito masama kasi 'di pa sila kumakandidato, papaano naman ang pagiging patas? Oo nga at hindi nagbabanggit ng iboto ang kandidato na nasa infomercials, pero ikinukundisyon na nito ang mga tao na mabuti ang kandidato na nasa infomercials na nilalabas nila. Ngayon kung sasabihin n'yo na magiging patas kayo sa mayaman at mahirap kapag naupo kayo, ngayon pa lang pinapakita n'yo na ang pagiging hindi nyo patas. Dahil ngayon pa lang gusto n'yo nang lamangan ang mga gustong kumandidato na hindi kayang magbayad ng milyon-milyon para lang pagandahin ang imahe nila sa mga botante. Kung ang ikakatwiran n'yo naman ay ang pagkakaroon ng infomercial ng inyong kalaban kung kaya dapat meron din kayo. Ipinapakita n'yo lang na na-iimpluwensyahan kayo kahit ng kalaban n'yo, at kapag nakita n'yo na yumayaman ang kalaban n'yo sa pulitika dahil sa pangungurakot, mangurakot din ba kayo? At kahit pa sabihin n'yo na ang mga kaibigan nyo ang nagbayad ng para sa mga advertisement, hindi maiiwasan na lumutang ang tanong na, ginastusan nila ng milyones ang commercials nyo, ano kapalit?
- Sa tuwing eleksyon ang mga kumakandidato ay nangangako sa mga botante, na parang isang binatang nangangako ng buwan at bituwin sa kanyang nililigawan. Masarap pakinggan ang mga pangako, pero mas masarap kung natutupad ito. Kung nakakakuha ako ng piso para sa lahat ng pangako na 'di natutupad ng mga kumakandidato, malamang nalulunod na ako sa piso ngayon. Kaya para maiwasang mangako ang mga kandidato ng mga imposibleng bagay, tapos ay ikakatwiran ang kakulangan ng pondo para hindi matupad ang mga sinabi sa taong bayan. Sa mga kumakandidato, handa ba kayo na pumirma sa isang legal na kontrata na nagsasaad na tutuparin ninyo ang LAHAT ng inyong ipapangako, at kung ang magiging hadlang sa pagtupad ninyo sa inyong pangako ay ang kakulangan sa pondo, ibibigay ninyo ang kalahati ng lahat ng inyong yaman mapondohan lang ang lahat ng inyong ipinangako sa tao?
- Nitong mga nakaraang araw, napapabalita na ang paglipat-lipat at pagpapalit-palit ng mga kakampi. Sabi nila, normal ito sa pulitika dito sa Pinas, pero sabi ko naman normal pa ba mga utak n'yo? Paano ako maniniwala na lalabanan n'yo ang kurapsyon kung ang mga tao na kayo mismo ang nakakita ng ginagawang mali ay s'ya pang tao na kakampihan ninyo? Paano ko masisigurado na 'di kayo papayag na magpatuloy ang pag-gawa ng mali sa gobyerno kung para sa mga pangarap n'yo ay handa kayong magbulag-bulagan para lang may dagdag makinarya kayo sa pag-takbo ninyo sa eleksyon?
- Hindi naman sikreto sa lahat na ang eleksyon ay 'di nawawalan ng pandaraya. Kung gayon handa bang pumirma ang lahat ng kakandidato sa isang kasunduan na kung sino man ang mandaraya sa eleksyon, manalo man o matalo ay kukumpiskahin ang lahat ng kayamanan at ito ay ibibigay sa kung sino man ang makakapagbigay ng matibay na katibayan ng nasabing pandaraya? Nang sa ganun walang pwedeng pagkatiwalaan ang sino mang gustong mandaya dahil ang sino mang utusan nilang mandaya ay maaaring magkaroon ng interes sa kanilang kayamanan.
- Para naman sa mga botante, iboboto mo ba ang isang kandidato na bibilhin ang iyong boto, na kung tutuusin ay galing sa pondo ng gobyerno na dapat ay nakalaan sa pagpapagaang ng buhay mo? Hindi ba parang, ninakawan ka ng pera tapos ay gagamitin yun para bayaran ka? Iboboto mo ba ang isang kandidato na napakabait, tuwing eleksyon lamang? Tapos ay kala mo diyos na dapat mong paglingkuran kapag na-upo na? Iboboto mo ba ang isang kandidato na ginagamit ang pangangailangan ng mga tao para lang makakuha ng boto, pero walang ginagawa kung hindi payamanin ang sarili sa oras na na-upo na sila sa pwesto? Iboboto mo ba ang isang kandidato dahil sa nakikita mo na siya ang karapa't-dapat, o dahil lang sa mataas ang nakukuha n'ya sa survey? Dahil kung ganun, bakit pa tayo boboto kung napagdesisyunan na pala yun sa survey pa lang?
0 comments to "HINDI LANG ISANG TANONG"
Friends of the Owlery
Labels
- Eat Bulaga (3)
- Filipina Actress (1)
- Filipino Actor (2)
- Health (1)
- How to (4)
- Information (4)
- News (6)
- Philippines (11)
- Point of View (3)
- Showbiz (3)
- Trivia (13)
- Urban Legends (2)
Visitor Counter
Provided by website-hit-counters.com . |
Post a Comment